TEXT
pagbabago
nakakatawa kung iisipin mo
kung gano kalaki na
ang pinagbago mo
pero ikaw pa rin naman yan
ganon ka pa rin naman
pero marami nang nag-iba
pano ko ba to ie-eksplika?
dati rati
bibili ako ng damit
na pang-akit, panglandi
suot ko pag gigimik
siguradong pantawag pansin
syempre pa, dapat lang
mapansin ka ng kalalakihan
ngayon, medyo ganun pa din naman
pero sa dalawang lalaki na lang
ako nagpapakyut
pupustura pag may lakad
kasama ang mahal kong asawa
magda-daster naman
para masabihan ng anak ko ng "Prinsesa!"
dati rati
napupuyat ako
kakabasa ng libro,
kakababad sa telepono
kakatambay sa kanto
ngayon, puyat pa din naman
kakaantay sa asawang
ginagabi sa trabaho
kaka-alaga sa anak
pag ito'y may trangkaso
at kakatiis na lang
sa sanggol na dinadala ko
pag ako'y sinisipa nito
dati rati
paniwala ko'y mayaman ako
pano ba naman
akin lang ang kita ko
panay pa ang byahe ko
iba't ibang parte ng Pilipinas ata
ang narating ko
ngayon, hindi na ako nagtatrabaho
pero ramdam ko pa rin
na mayaman ako
ikaw na ang gisingin ng halik ng anak mo!
ang mag-ubos ng araw
kakakanta, kakalaro...
ang maging saksi
kung pano lumalaki
ang iyong unico hijo
dati rati
pag malungkot ako
bibilhan ako ng aking nobyo
ng mocha cake sa Goldilocks
kasi yun lang ang laging gusto ko
ngayon, sya pa din ang tagabili ko ng cake
asawa ko na nga lang sya
yun nga lang din, hindi ko na natitikman
yung mga bulaklak na gawa sa asukal
sa anak namin, ito ngayo'y nakalaan
o diba, nakakatawa
ako pa rin to
ganun pa rin ako
pero marami na din akong pinagbago!
sa totoo lang
mas may tono na
ang pagkanta ko...
mas matibay na din ang tuhod ko
talo pa nung umaakyat ako ng bundok
napraktis sa kakahele ng anak ko
kung dati rati
naturingan akong delisyus
dahil ako'y pa-sexy
ngayon, delisyus pa din naman
(masarap naman ang pata tim, diba?
biro lang!)
kasi masarap pala ako magmahal!
bukod sa sabi ng mga kaibigan
kita ko din naman
sa tamis ng ngiti ng asawa ko
pag sinasalubong ko ng yakap
at sa paghingi ng halik
pag nasasaktan ang aking anak
lahat tayo magbabago
tatanda, mawawalan
makakatagpo, maiiwan
kakaiba lang talaga
pag pag-ibig, binago ka na
at nagtataguyod na
ng sarili mong pamilya.
MUSIC
Instrumental version of "I Can See Clearly Now" by Jimmy Cliff
You know that adage, "the more things change, the more they stay the same?" Well, I think that sort of holds true for me.
I like to believe I am the same vibrant, passionate, crazy woman... but the things that make me feel alive, the things that matter to me, the things that drive me have changed.
I did not change because I married and had a child. Not really.
I changed because I started finding value in other things. The paradigm shift from feeling proud over getting promoted to not having a sick child did not happen overnight. It also did not happen smoothly. There were days when I raged over the lack of adult conversations, personal money and material rewards.
And yet, somehow, it also was really easy finding the good in the intangible rewards of nurturing relationships.
And so I have evolved and somehow reinvented myself... and certainly the happier for it. Just like Goldilocks has continued reinventing itself while staying true to its being Proudly Filipino.
And yeah, we're both still very, very DELISYUS!!! :p
I love this, Mec! I think most of us moms can relate. Beautifully written! and yes, you are absolutely delisyus always :)
JMom 9:52 PM
Very creative indeed!you made me smile. thanks for sharing your wonderful post. do visit mine sometime at http://kayelangit-luistro.blogspot.com/2010/09/pagbabago.html.
Blessings!
Timeless Confection 1:42 PM
JMom... thanks ganda, mostly because even though we haven't met, we have really become friends still :)
Kaye... thanks for dropping by!
Mec 1:28 AM