sa araw ng mga puso
9:01 AM Tuesday, February 14, 2006(Photo by Jah of her daughter Keira)
SA ARAW NG MGA PUSO
by: Rico Abelardo
Mangyari lamang ay tumayo ang mga nagmamahal
Nang makita ng lahat ang mukha ng pag-ibig
Ipamalas ang tamis ng malalim na pagkakaunawaan
Sa mga malabo ang paningin.
Mangyari lamang na tumayo rin ang mga nagmahal at nasawi
Nang makita ng lahat ang mga sugat ng isang bayani
Ipadama ang pait ng kabiguan
Habang ipinagbubunyi ang walang katulad
Na kagitingan ng isang nagtaya.
Mangyari lamang ay tumayo ang mga nangangambang magmahal
Nang makita ng lahat ang kilos ng isang bata
Ipamalas ang katapatan ng damdamin na pilit ikinukubli
Ng pusong lumaki sa mga engkanto’t diwata.
Mangyari lamang na tumayo ang nagmahal, minahal at iniwan
Ngunit handa pa ring magmahal
Nang makita ng lahat ang yaman ng karanasan
Ipamalas ang katotohanang nasaksihan
Nang maging makahulugan ang paghagulgol sa dilim.
At sa mga nananatiling nakaupo
Mangyari lamang ay dahan-dahang tumalilis
Palabas sa nakangangang pinto
Umuwi na kayo!
At sumbatan ang mga magulang
Na nagpalaki ng isang halimaw.
At sa lahat ng mga naiwang nakatayo
Mangyari lamang na hagkan ang isa’t isa
At yakapin ang mga sugatan
Mabuhay tayong lahat
Na nagsisikap makabalik sa ating pinagmulan
Manatiling masaya at higit sa lahat
Magpatuloy sa pagmamahal.
- a redundant something... i just really, really love this poem :) and I hope none of those who read it will be left sitting down :)
*~*
Hayyyy... no flowers, or sweet notes or surprise whatever. Siguro nga i'd lunch out myself na lang.
HAPPY VD everyone!